TULONG PARA SA MGA DAGUPEÑONG APEKTADO NG NARARANASANG KALAMIDAD, TINALAKAY SA SP

Tinalakay sa naganap na special session kahapon ng Sangguniang Panlungsod ang mga tulong na ilalaan para sa mga apektadong Dagupeño ng nararanasang epekto ng kalamidad ngayon.
Ayon sa monitoring ng CDRRMO, CSWD at iba pang mga katuwang na departamento at ahensya ay nasa higit dalawang daang kabahayan ang nasira ng nangyaring buhawi sa kasagsagan ng Bagyong Egay noong nakaraang araw, maging ilang mga fish cages at mga fish stalls sa Magsaysay Fish Market ay nasalanta rin at ilang rice farmers na nasa higit 110 hectares ng kanilang sinasakahang lupa ay nasira rin.
Bukod pa sa pondong nasa 12M halaga laan umano para sa imprastraktura, para sa apektado sa hanay ng agrikultura, saad ni City Agriculture Officer Dizon na maaaring naman umanong mailapit ang mga ito sa Department of Agriculture o DA at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR dahil mayroon naman umanong programang ang ahensya kaugnay dito.
Maging iuugnay din ito sa DSWD sa kanilang programang AICS na kung maaari itong ipasok sa nasabing programa ng ahensya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Dagupan CSWD.
Tiniyak din ng mga ito ang pamamahagi sa lahat ng residente ng apektadong barangay ng mga relief goods, maging ang mga kinakailangang bitamina at mga gamot.
Samantala, pagtitiyak din ng City Health Office na handa naman umano ang ilang mga gamot sa kanilang tanggapan sa mga nangangailangang mga residente ng Dagupan City.
Facebook Comments