TULONG PARA SA MGA FISHERFOLKS NG DAGUPAN CITY, TINIYAK; AQUACULTURE INDUSTRY NG LUNGSOD, MAS TINUTUTUKAN

Tiniyak ang maibibigay na tulong para sa mga fisherfolks o mga mangingisda ng Dagupan City ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa pakikipag-ugnayan ng lokal na gobyerno sa ahensyang Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ng kanilang programang Community Empowerment through Science and Technology (CEST).
Matatandaan na isa ang lungsod ng Dagupan sa napiling CEST Communities sa buong Region 1 o ang programang may layong matulungan lalo na ang mga nasa malalayong pamayanan.
Saklaw ng nasabing tulong partikular sa pangkabuhayan ng mga ito ay ang teknolohiyang Multi-Commodity Solar Tunnel Dryer laan para sa mga dried fish products, gayundin ang food processing equipment, training, packaging, and labelling assistance.

Tinututukan din ang aquaculture industry ng lungsod sa pamamagitan ng isinasagawang pag-aaral at pagpapalakas pa ng oyster o talaba produksyon ng Dagupan City.
Samantala, matatandaan na nasa isang daan at tatlumpu’t siyam o 139 na mga mangingisda rin ang nakatanggap relief supplies mula sa BFAR Region 1 bilang tulong sa kanila bunsod ng nagdaang kalamidad.
Ilan pang mga inihahandang mga programa at proyekto para sa mga Dagupeño ang ilulunsad para sa ikauunlad ng bawat sektor ng lungsod. |ifmnews
Facebook Comments