Tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng Bagyong Verbena, inihahanda na ng DA

Inihahanda na ng Department of Agriculture o DA ang mga ipapamahaging farm inputs sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng Bagyong Verbena at shear line.

Kabilang na rito ang binhi ng palay, mais at high-value crops; gamot at biologics para sa livestock at poultry; pati fish stocks at paraphernalia para sa fisheries sector.

Kasabay nito, patuloy ring mino-monitor ng DA ang presyo at galaw ng mga agricultural products para maiwasan ang biglaang pagtaas ng presyo ng mga ito.

Ayon sa DA, naka-monitor na rin ang ahensiya sa pamamagitan ng Regional DRRM Operations Centers sa mga apektadong rehiyon para sa mabilis na tugon sa mga magsasaka at mangingisda.

Kasabay nito, tiniyak din ng Philippine Crop Insurance Corporation na sapat ang pondo para sa crop insurance ng mga insured na mga magsasaka.

Nakahanda na rin ang credit assistance mula sa Agricultural Credit Policy Council.

Facebook Comments