Tulong para sa mga manggagawa ng Hanjin, tiniyak ng DOLE

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Labor and Employment na prayoridad ng Hanjin heavy industries ang mga manggagawa na maaapektuhan ng pagkalugi.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, oras na bumalik sa normal ang operasyon ng Hanjin ay hihikayatin nila ang bagong namamahala nito na gawing prayoridad ang mga naiwang 3,800 na manggagawa dahil na rin sa kanilang kasanayan at karanasan sa trabaho.

Aniya, prayoridad sila ng kumpanya na mabigyan ng trabaho kung saan magtatapos na ang kanilang kontrata sa February 15, 2019.


Samantala, hinikayat naman ni ACTS-OFW (Overseas Filipino Worker) Partylist Rep. John Bertiz ang DOLE na ipadala sa New Zealand ang mga nawalan ng trabaho sa Hanjin shipyard.

Sabi ng Mambabatas, demand ngayon para sa mga Pilipinong construction labor sa New Zealand sapagkat masigla doon ang building at real estate market.

Facebook Comments