Nagsagawa ng needs at medical assessment ang Quick Reaction Team ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga nasunugan sa Brgy. Balingasa at Apolonio Samson sa Quezon City.
Ayon kay QRT Director Benjie Dorango, inalam nila ang lawak ng pinsala sa lugar at ang agarang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Tiniyak ni Dorango na bawat pamilya ay makakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng Assistantance to Individual in Crisis Situation o AICS.
Naghahanda na rin ang DSWD-National Capital Region upang mabigyan sila ng suplay na pagkain at iba pang relief goods
Kaugnay nito ,nagboluntaryo naman si Brgy. Masambong Chairman Arsenia Flores na dalhin muna sa kanilang evacuation center ang ibang fire victims na nawalan ng tirahan.
Abot sa 900 hanggang 1,000 pamilya ang nawalan ng matitirhan sa nangyaring sunog.