Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang maaaring maibigay na tulong sa mga oysters farmers sa lungsod sa pamamagitan ng ilang mga inihahandang mga programa para sa mga ito.
Isa na rito ang pagkakaroon ng mga oyster production equipment o mga sa pakikipag-ugnayan ng LGU Dagupan sa Department of Labor and Employment o DOLE na may layong mas pahusayin pa ang produksyon ng talaba ng lungsod. Dagdag pa ang target na mas mapataas ang local production nito sa merkado.
Katuwang din ng City Agriculture Office ang ahensyang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Science and Technology (DOST) sa ilan pang isusulong na mga paraan at pag-aaral para sa pagpaparami ng produksyon nito.
Samantala, sa kasalukuyan ay mayroong nasa walumpong mga oyster farmers ang Dagupan City na nagpapatuloy din sa kanilang hanapbuhay na inaasahan naman ang tulong upang mas mapalago pa ang aquaculture industry ng lungsod. |ifmnews
Facebook Comments