TULONG PARA SA MGA PANGASINENSE NA NAWALAN NG TRABAHO SINIGURO NG PROVINCIAL GOVERNMENT NG PANGASINAN

Lingayen, Pangasinan – Siniguro ng Provincial Government ng Pangasinan at ng Public Employment and Services Office o PESO Pangasinan na tutulungan nila ang mga Pangasinense sakaling ang mga ito ay mag-desisyong umuwi na ng probinsiya upang magkaroon ng trabaho at pagkakakitaan.

Ayon kay PESO Manager Alex Ferrer, may mga trainings na inihanda ang gobyerno para sa mga nawalan ng trabaho bilang tulong panimula. Sa katunayan puspusan ng inihahanda ng kanilang ahensiya ang mga training trucks at bus na iikot sa iba’t ibang bayan at siyudad ng lalawigan na syang gagamitin upang hasain ang mga mag-babalik probinsiya.

Sa ngayon hinihintay na lamang ng PESO Pangasinan na maging maayos ang sitwasyon upang panatag na maisagawa ang nasabing proyekto lalo ang balak na special recruitment activity at livelihood trainings para sa mga OFWs at mga pangasinense na balak mag-abroad.


Facebook Comments