Tulong para sa mga Pilipinong apektado ng malawakang pagbaha sa Texas sa Amerika, tiniyak ng Palasyo

COURTESY: US Coast Guard

Makakaasa ng tulong mula sa pamahalaan ang mga Pilipinong apektado ng malawakang pagbaha sa Kerr County, sa Texas, sa Amerika.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, handa aniya ang konsulada ng Pilipinas at mga tanggapan sa estado para tumulong.

Batay aniya sa pinakahuling report ng Philippine Consul General, walang Pilipinong naapektuhan sa malawakang baha, pero patuloy ang pakikipag-ugnayan ng konsulado sa mga kababayan para malaman ang kanilang sitwasyon at kapakanan.

Bukas din ang linya ng gobyerno na tumanggap ng tawag para sa mga mangangailangan ng saklolo.

Nagpaabot naman ng dasal ang Malacañang para sa kalagayan ng mga residenteng apektado ng nasabing kalamidad.

Facebook Comments