Tulong para sa mga Pilipinong nasa Israel at Iran na ayaw pang lumikas, pinatitiyak din ni PBBM

Mahigpit na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng Pilipinong nasa Israel at Iran.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nasa Amman Jordan na ang team na sasalubong sa mga Pinoy na galing Israel na nais umuwi dito sa Pilipinas.

Kasama rin sa pinabibigyang tulong ng Pangulo ay ang pagbibigay ng temporary shelter, pagkain, at tulong pinansiyal sa mga inilikas na Pinoy pero ayaw pang lumikas.

Sa mga nais namang bumalik na sa bansa, may nakahandang P150,000 na tulong pinansiyal, transportasyon at accommodation support, medical assistance at livelihood assistance para sa kanila.

Kaugnay nito, hinimok ng Palasyo ang mga Pilipino sa Iran at Israel na makipag-ugnayan sa embahada at konsulada ng Pilipinas para maipabatid ang kanilang kalagayan at matukoy kung anong tulong ang pwedeng maipaabot ng gobyerno.

Facebook Comments