Tulong para sa mga Pinoy na apektado ng kampanya ni US President Donald Trump kontra illegal immigrants sa Amerika, iniutos ni PBBM

May direktiba na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Labor and Employment para sa mga Pilipinong naapektuhan ng maigting na kampanya ni US President Donald Trump kontra illegal immigrants sa Amerika.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ipinag-utos ng pangulo na tiyaking maipatutupad ang convergence at complementation effort para sa mga maaapektuhan nating mga kababayan.

Makikipag-tulungan aniya sila sa Department of Migrant Workers (DMW) na may programa para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) na uuwi sa bansa sa pamamagitan ng kanilang reintegration program.


Pinatitiyak din ng pangulo na dapat ay mas malakas ang impact ng mga gagawing hakbang at talagang makakatulong ito sa Filipino workers.

Mahigpit din aniya ang bilin nito na tutukan maging ang mga lokal na manggagawa na nawalan ng trabaho sa bansa.

Facebook Comments