Sunday, January 25, 2026

TULONG PARA SA MGA VENDORS SA NASUNOG NA PUBLIC MARKET NG BASISTA, ISINASAAYOS NA

Muling nagsagawa ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan ng Basista kasama ang iba’t ibang sangay nito upang masigurong ma-ipapaabot ang tulong sa mga apektadong vendors sa nasunog na public market.
Kabilang sa mga kasama sa pulong ay ang Local Finance Committee (LFC), Engineering Office, at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na inaasahang makakatulong sa pinansyal at iba pang suporta para sa mga nasunugan ng bahay at mga vendor na nawalan ng hanapbuhay.
Hinihintay na lamang na matapos ang election ban upang agad na maipatupad pagbibigay ng tulong na pinansyal at plano sa pagsasaayos ng palengke.
Pinulong din ang kinatawan ng Market Staff, Philippine National Police (PNP), at Municipal Engineering Office upang planuhin ang shifting o rotation ng pagbabantay sa loob ng nasunog na palengke.
Layon nitong matiyak ang seguridad habang hinihintay ang aksyon mula sa Provincial Engineering Office para sa pagtatanggal ng mga bubong at bakal na posibleng magdulot ng disgrasya sa mga stall owners.
Noong ika-9 ng Mayo ng tupukin ng apoy ang 75% bahagi ng public market lubhang tumupok sa meat section, at stalls ng bigasan, at dry goods. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments