Tulong para sa Syria, inihahanda na ng Pilipinas

Inihahanda ng Office of Civil Defense (OCD) ang tulong na ipadala sa Syria, na kasabay na niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ng Türkiye.

Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, kasalukuyan na silang naghahanda ng mga non-food item na ipadadala sa Syria na katulad ng mga ipinadala sa Türkiye.

Matatandaang nagpadala ang Pilipinas ng mahigit 10,000 kumot, mga damit panlamig, gloves at bonnet sa Türkiye kasabay ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent.


Sa ngayon, hindi na magpapadala ng search and rescue team sa Syria, at mga ka-relyebo ng Philippine contingent na nasa Türkiye dahil lagpas na rin ang panahon sa pagligtas ng mga survivor.

Hinihintay na lamang ani Alejandro ng OCD ang abiso mula sa Department of Foreign Affairs at Palasyo ng Malacañang para sa pagpapadala ng tulong sa Syria.

Facebook Comments