Tulong pinansiyal para sa higit 6,000 agents ng Lotto at Keno outlets, inihahanda na ng PCSO

[COURTESY] FACEBOOK.COM - PCSO

Inihahanda na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang ipamamahaging tulong pinansiyal sa libu-libong ahente ng Lotto at Keno outlets.

Ito ay matapos aprubahan ang PCSO Board Resolution 109 na layong matulungan ang mga empleyadong apektado rin ng krisis dulot ng COVID-19.

Ayon kay PCSO Vice Chair at General Manager Royina Garma, nasa 6,241 agents ang makikinabang sa ₱18,723,000 na pinanisyal na tulong mula sa ahensiya.


Matatandaang mula noong Marso 17, 2020 ay sinuspinde muna ang operasyon ng mga lotto para matiyak na rin ang kaligtasan ng mga empleyado at publiko laban sa virus.

Samantala, kinakailangan lamang umanong makipag-ugnayan ng mga kwalipikadong Lotto at Keno agents sa branch office sa kanilang lugar para makuha ang nasabing tulong pinansiyal.

Facebook Comments