Tulong-pinansiyal sa mga manggagawang apektado ng 2-week lockdown, inihahanda na ng DOLE

Naghahanda na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa muling pagsailalim ng Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ika-6 ng Agosto.

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez, napag-usapan na nila ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang paghahanap ng pondo para sa ibibigay na tulong pinansiyal sa mga manggagawang naapektuhan ng lockdown.

Kasama naman sa gagamitin ay nagmula sa tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) program ng DOLE na may natitira na lamang halaga na P4 bilyong piso.


Sa ngayon, nakatakdang nang makipagpulong ang DOLE sa Department of Social Welfare and Development at sa Department of Budget of Management (DBM) para sa humanap ng karagdagang pondo para sa mga manggagawa.

Facebook Comments