Pinaaapura ni Committee on Social Services Chairman Alfred Vargas sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno ang pagre-release ng tulong pinansyal at ang pabahay sa evacuees ng Bulkang Taal.
Sinabi ni Vargas, mahigit isang taon na mula nang sumabog ang bulkan pero hanggang ngayon ay hindi pa natutupad ang mga ipinangako ng gobyerno sa mga apektadong residente.
Ayon sa kongresista, nangangamba ang mga tao dahil sa kawalan ng seguridad ng kanilang sitwasyon lalo na ngayong muling nagparamdam ang bulkan.
Sa inihaing House Resolution No. 1591, partikular na hinimok ng mambabatas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Housing Authority (NHA) na bilisan ang aksyon.
Sa public consultation na isinagawa ng komite ni Vargas sa Talisay, Batangas, napag-alamang meron pang mahigit 620 pamilya na nananatili sa evacuation centers.