TULONG PINANSYAL, IPINAMAHAGI NG DSWD SA 690 NA PAMILYA

CAUAYAN CITY – Namahagi ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) sa 690 na pamilyang apektado sa nangyaring bakbakan kamakailan sa pagitan ng mga armadong rebelde at kasundaluhan sa Brgy. Lapi, Peñablanca, Cagayan.

Bawat pamilya ay nakatanggap ng P5,000 pesos sa ilalim ng Assistance to Individuals in crisis Situations (AICS).

Pinangunahan ni Regional Director Lucia Suyu-Alan ang nasabing pamamahagi at inihayag na patuloy ang pagsusumikap ng ahensya upang matugunan ang kinakailangang tulong at serbisyo ng mga apektadong pamilya.


Maliban dito, sinabi rin ni RD Alan na ang pamamahagi ay alinsunod sa direktiba ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na walang maiiwan sa proseso ng pagbangon mula sa nangyaring sagupaan.

Facebook Comments