Pumalo na sa P3.3 milyon na ang naipamahagi na tulong-pinansyal sa aabot sa 671 Overseas Filipino Workers o OFW mula sa dalawampu’t pitong bayan ng Pangasinan.
Ito ay base sa kasalukuyang datos ng Pangasinan Provincial Employment Services Office (PESO) na siyang namamahala sa distribusyon na kung saan ay aabot sa tig P5,000 kada displaced OFW ang ibinibigay sa panahon ng pandemya.
Pinakahuling nabigyan ang 25 displaced OFWs mula sa bayan ng Bolinao ang nabahagian ng tulong-pinansyal upang makapagsimula ng kani-kanilang negosyo na makakatulong sa pagpapagaan ng kanilang pamumuhay.
Hinikayat ang mga ibang beneficiaries na gamitin sa tamang paraan ang ang tulong-pinasyal kasabay nito ang kanyang pasasalamat sa suporta ng pamahalaang lalawigan sa mga OFWs na nawalan ng trabaho bunsod ng epekto ng pandemya.