TULONG PINANSYAL NG DHSUD, IPINAMAHAGI SA MGA BIKTIMA NG SUNOG SA BINMALEY

Dumating sa bayan ng Binmaley, Pangasinan ang Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD Region 1 upang personal na ipamahagi ang tulong pinansyal sa mga residente ng Barangay Caloocan Sur na naapektuhan ng sunog noong nakaraang taon.

Aabot sa labing-anim na kabahayan sa Brgy. Caloocan Sur ang nabigyan ng ayuda, kung saan tumanggap ng tig-₱10,000 ang mga may partially damaged na bahay, habang ₱30,000 naman ang ibinigay sa mga totally damaged.

Ayon sa DHSUD, ang naturang pamamahagi ay bahagi lamang ng Phase 1 ng kanilang assistance program.

Inamin naman ng ahensya na natagalan ang pamamahagi ng tulong dahil sa masusing proseso ng validation at pagkumpleto ng mga kinakailangang dokumento ng mga benepisyaryo.

Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa tulong na kanilang natanggap na malaking bagay umano upang makabangon muli mula sa sinapit na trahedya. Ayos sa kay Dr. Valdez isa lamang ang binmaley sa tinungo ng kanilang opisina para hatidan ng tulong.

Samantala, ipinaalala ng DHSUD Region 1 na ang programang ito ay sinimulan noong 2024 bilang tugon sa pangangailangan ng mga pamilyang nawalan ng tahanan dulot ng sakuna gaya ng sunog at bagyo.

Dagdag pa ng ahensya, lahat ng mga susunod na request para sa ganitong assistance ay kinakailangang ipadala na sa National Housing Authority o NHA. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments