Tulong pinansyal ng gobyerno sa mga empleyado ng pamahalaan, pinatataasan ng isang senador

Itinutulak ni Senator Raffy Tulfo ang panukalang batas na magtataas sa Personnel Economic Relief Allowance (PERA) na ipinagkakaloob ng gobyerno sa mga empleyado ng pamahalaan.

Ang PERA ay buwanang allowance na dagdag sa pangunahing sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Nakapaloob ito sa Senate Bill 2673 na layong itaas at awtomatikong isaayos ang mekanismo sa mga benepisyong pinansyal na ibinibigay sa mga kawani ng pamahalaan upang makaagapay sa patuloy na pagtaas na presyo ng mga bilihin.


Ayon kay Tulfo, bukod sa dagdag-tulong sa mga public servant ang panukala ay magpapalakas din sa pangkalahatang kahusayan at moral ng mga government employee.

Dagdag pa ng senador, ang PERA ay magiging isang mahalagang mekanismo ng suportang pinansyal para sa mga empleyado ng gobyerno na tutulong sa kanila sa tumataas na halaga ng pamumuhay at para mapanatili ang katatagan ng ekonomiya.

Facebook Comments