Tulong pinansyal para sa mga indigent students, suportado ni Sen. Bong Go

Suportado ni Senator Christopher Bong Go ang Tulong Dunong Program (TDP) ng Commission on Higher Education (CHED).

Ang nasabing programa ay dinisenyo para pagkalooban ng tulong pinansyal ang mga indigent students na naghahanap ng mas mataas na oportunidad sa edukasyon.

Sa pagdalo ni Go sa recognition day ng mga graduating student ng BS Criminology sa University of Perpetual Help System sa Calamba City, Laguna, binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng edukasyon gayundin ang mahalagang papel nito sa pagunlad ng bansa.


Kasabay nito ang pagtiyak ni Go na ipagpapatuloy niya ang adbokasiya para higit pang paghusayin ang access sa edukasyon at pagsusulong na magkaroon ng sapat na pondo para sa scholarships ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng TDP.

Inalala naman ng ilan sa mga benepisyaryo ng programa ang tulong at suporta ng senador sa kanila sa pamamagitan ng scholarship program ng CHED na malaki ang naitulong para makatapos sa kanilang pagaaral.

Facebook Comments