Tulong pinansyal para sa mga mag-aaral, dapat nang ipamahagi habang may health crisis na kinakaharap ang bansa

Iginiit Committee on Basic Education Chairman Senador Win Gatchalian sa Department of Education o DepEd at Commission on Higher Education o CHED na madaliin ang pagpapamahagi ng tulong pinansiyal na dapat sana ay ibinigay na sa mga mag-aaral sa pagwawakas ng school year 2018-2019.

Ayon kay Gatchalian, ang tulong pinansyal na ito ay ibinibigay sa ilalim ng mga programang Senior High School Voucher Program o SHS VP ng DepEd at ang Tertiary Education Subsidy o TES ng CHED.

Sa ilalim ng SHS VP ay 14,000 o hanggang 22,500 thousand pesos ang dapat na matanggap ng mga mahuhusay ngunit nangangailangang mga mag-aaral.


Sa ilalim naman ng TES ay maaaring makatanggap ang mga mag-aaral ng hanggang 40,000 libong pisong ayuda para sa mga aklat, transportasyon, tirahan at iba pang mga gastusin.

Diin ni Gatchalian, ang nasabing tulong pinansyal ay makakapagbigay ng ginhawa sa mga pamilyang apektado ng krisis na dulot ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Bukod pa, aniya, sa makatutulong din ang pondong ito sa mga pribadong paaralan, lalo na sa pagbibigay ng paunang sahod at 13th month pay ng mga kawani at guro.

Facebook Comments