Nakakuha ng tulong-pinansyal ang mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Uwan sa Infanta noong Nobyembre 2025 mula sa Emergency Cash Transfer na isinagawa noong Miyerkules, Pebrero 18, 2026.
Sa pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lokal na pamahalaan ng Infanta, naibigay ang nararapat na pondo upang suportahan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Ayon sa DSWD, bahagi ang pondo ng disaster response at recovery assistance mula sa DSWD Field Office I para sa mga pamilyang naapektuhan habang nagpapatuloy ang rehabilitasyon.
Bukod dito, parte din ang aktibidad sa pagpapanumbalik sa normal na pamumuhay ng mga napinsala ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










