Saturday, February 28, 2026

Tulong pinansyal para sa mga walang tahanan, isinulong sa Kamara

Pinabibigyan ng apat na kongresista ng buwanang tulong pinansyal ang mga pamilyang walang tahanan sa bansa.

₱3,500 ang subsidy para sa mga walang matitirhan sa Metro Manila, habang ang halaga para sa mga nasa ibang panig ng bansa ay tutukuyin ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at National Economic and Development Authority (NEDA).

Nakapaloob ito sa House Bill number 7230 o panukalang Rental Housing Subsidy Program Act na inihain nina Representatives Martin, Yedda, at Andrew Romualdez, kasama si Rep. Jude Acidre.

Layunin ng panukala na mabigyan ang mga pamilyang mababa ang kita o mga nawalan ng bahay na magkaroon ng abot-kaya at disenteng mauupahan.

Sa ilalim ng panukala, ipapatupad ang rental housing subsidy program para sa mga informal settler families.

Magtatagal ang subsidy na ibibigay sa kanila hanggang sa matapos ang permanent housing project na nakalaan sa kanila.

Facebook Comments