Manila, Philippines – Muling nadagdagan ang tulong ng mga pamilya ng mga nasawing sundalo at sugatang sundalo kaugnay sa nagaganap na gulo sa lungsod ng Marawi.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, kahapon ay nagbigay ng tulong sa AFP ang Rotary Club sa halagang 250,000 pesos.
Mismong sina AFP Vice Chief of Staff Lt General Salvador Melchor Mison Jr. At Deputy Chief of Staff Major General Arnel Duco at iba pang AFP senior officials ang tulong pinansyan ng Rotary Club.
Dahil sa dagdag na tulong umaabot na ngayon sa 200 milyong piso ang natatangap na tulong ng AFP Marawi Casualty simula ng magbukas ng bank account ang AFP para dito.
Sa huling ulat ng AFP 160 na mga sundalo at pulis na ang nagbuwis ng buhay matapos makipaglaban sa Maute ISIS terrorist group.