Umaandar na ang mga proseso upang masimulan na ang pagtanggap sa mga tulong pinansyal na nagmumula sa gobyerno, sa ilalim ng Bayambang Community Service Card.
Katuwang ang isang digital wallet app, napagkasunduan na unahing i-rehistro ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan at ng mga sektor na tumatanggap ng buwanang tulong-pinansyal mula sa pamahalaan.
Kasunod ng mga ito ang mga magsasaka at miyembro ng TODA na tumatanggap ng tulong mula sa pambansang pamahalaan.
Sa pamamagitan ng Bayambang Community Service Card na may financial services, inaasahang magiging mas mabilis, mas ligtas, at mas mabisa ang pagkuha ng mga tulong-pinansyal.
Noong Nobyembre 2025 lamang nang napagkasunduan ang upgrade ng Community Service Card upang mapadali at gawing organisado ang pamamahagi ng tulong-pinansyal at iba pang benepisyo.
Bahagi ng hakbang na ito ang planong pagbabawas sa mga forms o dokumento upang makasabay sa digital governance ang Bayambang.










