Tiniyak ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang tulong sa mga mangingisdang sakay ng bangkang na “hit and run” ng Chinese vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea noong June 10, 2019.
Ito ay inihayag ni DA Secretary Manny Piñol matapos ang isinagawang pagpupulong kahapon ng economic at security clusters ng Duterte administation kaugnay sa nasabing insidente.
Ayon kay Piñol, kasama siya, tutulak ang kanyang team pa-Occidental Mindoro bukas upang personal na ibigay ng ayuda ng gobyerno sa mga 22 mangingisda at sa may-ari ng F/B Gem-Ver, ang barkong pinalubog ng Chinese vessel.
Ang mga mangingisda ay makakatanggap ng 25,000 bawat isa habang bibigyan din sila ng bangkang pangisda, bukod pa sa 1.2 million pesos na tulong pinansyal para sa pagpapagawa ng nasirang fishing boat.
Paglilinaw ni Piñol na ang mga ayudang ibibigay ng gobyerno sa mga mangingisda ay hindi panakip butas sa nangyari at hindi makakaapekto sa ginagawa nilang maritime inquiry.
Batay sa salaysay isa sa testigo at tripulante ng F/B Gem-Ver na si Richard Blaza, talagang hit and run ang nangyari noong kung saan tinangka pa umanong paandarin ng kanilang kapitan ang barko pero huli na ang lahat at nabangga na sila.