Tulong Pinansyal sa Pamilya ng Elf Truck Tragedy, Ipinamahagi na

*Cauayan City, Isabela*-Ipinagkaloob na ang tulong pinansyal sa mga naulila at pamilya ng mga sugatan sa nangyaring insidente ng pagkahulog ng isang elf truck sa bangin sa Sitio Gassud, Barangay Karikitan,Conner, Apayao noong huwebes ng gabi (October 31, 2019).

Una rito, ipinamahagi na ng ilang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Agriculture Region 2 at Department of Social Welfare and Development Region 2 ang mga paunang ayuda.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan,nagkaloob ng P15,000 ang DA-RO2 sa bawat pamilya ng mga biktima gayundin ang DSWD-RO2 na nagbigay ng P10,000 sa nga ito.


Nagbigay na rin ng medical assistance na P5,000 sa mga biktima mula rehiyon dos na kasalukuyang nagpapagaling sa Conner District Hospital at Cagayan Valley Medical Center.

Kaugnay nito, sasagutin na ng LGU Rizal ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing sa 19 na namatay sa pagkahulog ng naturang sasakyan.

taggs: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, LGU Rizal, DA-RO2, DSWD-RO2, Cauayan City, Luzon

Facebook Comments