Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa halagang P19.9 milyong piso na food at non-food items ang nakatakdang ipamahagi sa mga lugar na matinding naapektuhan ng pagbaha.
Ayon kay Marciano Dameg ng DSWD-2 na may mga food at non-food items na nagkakahalaga ng P19.9 milyon piso at may standby fund din na P2.3 million na handang gamitin kung kinakailangan para sa mga nasalanta ng kalamidad.
Naka-standby rin sa Department of Health (DOH) Region 2 ang mga medical team mula sa mga retained hospital at nakahanda sa deployment sa mga lugar na apektado.
Ayon naman kay Governor Manuel Mamba, may mga rescue equipment na sa mga lugar na apektado at kasukuyan na rin ang rescue at clearing operations.
Namahagi na rin ang pamahalaang panlalawigan ng 600 packs ng bigas at 15 karton ng mga delata sa mga apektadong pamilya sa bayan ng Sanchez Mira at kasalukuyan na rin ang relief operation sa iba’t-ibang mga bayan sa lalawigan.