Manila, Philippines – Dahil sa may ilang pasahero pa rin ang stranded at delayed ang flights bunsod ng epekto ng runway excursion o pagsadsad ng Xiamen airlines sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nagpadala ang Philippine Red Cross ng staff at volunteers para umasiste sa mga apektadong pasahero.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon simula aniya noong Biyernes iniutos nya ang mobilization ng medical teams sa NAIA upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Nagsimula na rin ani Gordon ang PRC na mamahagi ng mga blankets at hygiene kits.
Maliban dito nakapagpamahagi na rin aniya sila ng 2,900 food items, kabilang ang chicken and rice meals, sandwiches at bottled water.
Bukod dito mayruon din aniyang first aid stations sa departure area ng naia terminals 2 and 3, habang 3 ambulansya naman ang nakastandby sa 3 paliparan.