TULONG | PRRD, nagbigay ng tulong sa mga pulis na nasawi sa misencounter

Samar – Dumalao si Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng mga pulis na namatay sa misencounter sa Samar.

Dumating kanina sa palo leyte si pangulong duterte kung saan nakaburol ang 6 na nasawi.

Isaisang nilapitan ni Pangulong Duterte ang mga pamilya ng mga nasawing pulis.


Tiniyak ng Pangulo sa mga ito na bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

Ginawaran ni Pangulong Duterte ng order of Lapu-Lapu na may rank na kalasag, ang pinaka mataas na pagkilala sa mga taga gobyerno, bukod sa pagkilala ay binigyan din ng financial assistance ang mga pamilya ng mga nasawi.

Binisita din ni Pangulong Duterte ang 9 nanasugatan sa misenconter na nasa Eastern Visayas Regional Medical Center.

Facebook Comments