TULONG SA ALBAY | Philippine Red Cross, magpo-provide ng mga temporary learning facility sa mga mag-aaral

Albay, Philippines – Kasabay ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon, ilang mga classrooms at paaralan sa Albay ang hindi nagagamit matapos gawing evacuation center ng mga nagsilikas na residente na malapit sa bulkang Mayon.

Dahil dito, magpapadala ng 5 learning tents ang Philippine Red Cross, na ilalagay sa municipalidad ng Camalig, Malipot at Guinobatan.

Ang bawat isang learning tent ay kayang mag accommodate ng hanggang 45 na estudyante.


Bukod dito, nagpapatayo na rin ng transitional toilets ang PRC, bilang tulong sa mga evacuees sa lugar.

Facebook Comments