Tiniyak ng Malacañang sa mga Ilonggo na paparating na sa kanila ang tulong habang patuloy na nakararanas ang Iloilo City ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ito ang sinabi ng Palasyo matapos makiusap si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa national government na magpadala ng bakuna sa kanyang siyudad para maibsan ang surge.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakausap na niya si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at ang pribadong sektor hinggil sa panawagan ng Iloilo City.
Aniya, may mga ipapadalang bakuna sa Iloilo sa tulong ng ilang pribadong kumpanya.
Una nang sinabi ni Roque na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay resulta rin ng kapabayaan ng mga tao at pabalewala sa minimum health standards.
Facebook Comments