Naipamahagi na ng Mababang Kapulungan ang ₱218.85 milyon na halaga ng tulong pinansyal at mga relief goods sa mga biktima ng Super Typhoon Egay.
Mismong si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang nanguna sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Egay sa Benguet at Baguio City.
Napadalhan din ng tulong ang mga biktima ng bagyo sa:
1st District ng Ilocos Norte,
1st at 2nd District ng Ilocos Sur,
1st, 2nd at 3rd District ng Cagayan.
Tumulong din sa pamamahagi ng ayuda ang mga tanggapan nina Tingog Partylist Representatives Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre.
₱43.85 milyon sa nabanggit na tulong ay hinugot mula sa personal calamity fund ng House Speaker na nalikom mula sa kontribusyon ng kanyang mga kaibigan ng ipagdiwang ang kanyang kaarawan noong nakaraang taon.
Ang nalalabing ₱175 milyon naman ay galing sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).