Tulong sa mga lugar na maaapektuhan ng Bagyong Kabayan, tiniyak ng OCD

Nakahandang mag-abot ng tulong ang Office of Civil Defense (OCD) sa Local Government Units (LGU) na maaapektuhan ng Bagyong Kabayan.

Ito ang tiniyak ni OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno matapos mag-landfall ang bagyo sa Davao Oriental kaninang umaga.

Ayon kay Nepomuceno, naka-activate ang kanilang Emergency Preparedness and Response (EPR) protocols sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.


Kasama sa mga protocol na ito ang pagpapakalat ng mga babala, pagsasagawa ng pre-emptive evacuation, paghahanda ng resources, pag-activate sa response clusters at iba pang kinakailangang paghahanda sa bagyo.

Sa ngayon, naka-red alert ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRM) Operations Center kung saan pinaghahanda ang kanilang mga tauhan para sa agarang pagtugon sa sakuna.

Facebook Comments