Manila, Philippines – Tiwala sina Senators Cynthia Villar at Joel Villanueva na makikinabang ang mga magsasaka sa implementasyon ng Rice Tariffication Law.
Ayon kay Senator Villar, bibigyan ng batas ang magsasaka ng ‘package of support program,’kung saan kabilang ang P10 billion rice competitiveness enhancement fund.
Binanggit din ni Villar ang P7-billion rice program sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) at P7-billion budget ng National Food Authority (NFA) na gagamitin sa pagbili sa palay mula sa mga lokal na magsasaka para sa buffer stocking.
Diin naman ni Villanueva, ang Rice Tariffication Law ang magpapasigla at gigising sa naghihikahos na sektor ng agrikultura.
Sabi ni Villanueva, popondohan ng batas ang mechanization at industriyalisasyon ng agricultural sector at nakapaloob din dito ang pagbili ng kagamitan para sa mga maliliit na magsasaka.