TULONG SA MGA MAGSASAKA NGAYONG PANAHON NG TAG-ULAN, TINIYAK

Umaarangkada na ang iba’t-ibang programa ng gobyerno partikular ang Department of Agriculture para sa magsasaka lalo ngayong panahon na ng tag-ulan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Ms. Irene p. Tactac Project Evaluation Officer IV ng DA-RFO1, ngayong panahon ng taniman ng palay, nagpapatuloy na ang pagbibigay ng mga binhi sa mga magsasaka sa Region I.

Binigyang-diin din nito ang kahalagahan ng pagiging rehistrado sa RSBSA upang mapabilang sa mga benepisyaryo ng programa ng DA.

Samantala, nasa 500, 000 na na mga magsasaka ang rehistrado sa RSBSA at hinihikayat ang mga hindi pa rehistrado na magpunta sa mga kinabibilangan LGU para sa iba pang katanungan ang kakailanganin para sa farmer’s profile. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments