Kasunod ng naranasang sama ng panahon sa Mindanao, pinatitiyak ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman at Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., sa Office of the Civil Defense na makararating ang tulong sa mga apektadong komunidad.
Batay sa pinakahuling ulat ng NDRRMC umaabot na sa 113, 463 na pamilya ang apektado ng nasabing sama ng panahon.
Nabatid na maliban sa Davao, matindi ring nasalanta ang CARAGA region kaya naman puspusan ang ginagawang relief operations sa mga apektadong lokalidad.
Sa ngayon, nakapagbigay na ang pamahalaan ng ₱72 milyong halaga ng ayuda sa mga apektadong pamilya.
Nananatili namang naka-Blue Alert ang NDRRMC Operations Center para mahigpit na tutukan ang sitwasyon sa mga apektadong lugar.