Nasa mahigit isang libong pamilya sa San Juan, La Union ang tumanggap ng tulong pinansyal kasunod ng naging epekto ng Bagyong Uwan noong Nobyembre 2025.
Sa ilalim ng Emergency Cash Transfer Program ng Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 1, ipinamahagi ang tig-P10,179.00, sa mga may totally damaged na kabahayan habang P5,265.00 naman sa mga may partially damaged na bahay.
Kasabay nito, naipamahagi rin ang ECT sa mga bayan ng Aguilar, Infanta, Lingayen, at Umingan sa Pangasinan.
Ayon sa programa, layunin ng ECT na magbigay ng agarang tulong sa mga apektadong pamilya at suportahan sila sa kanilang patuloy na pagbangon mula sa pinsalang dulot ng bagyo.
Matatandaan na patuloy ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga bayan sa Ilocos Region. Kabilang sa mga nauna nang nabigyan ang mga apektadong residente sa Bolinao, Pangasinan, at Caba at Bagulin, sa La Union. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










