Tulong sa mga OFWs ngayong pandemiya, tiniyak ng DOLE

Nangako ang Department of Labor and Employment (DOLE) na patuloy silang maghahatid ng tulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) lalo na sa mga nawalan ng trabaho ngayong COVID-19 pandemic.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi hihinto ang pamahalaan sa pagbibigay ng assistance sa mga OFWs.

Kabilang sa mga programa ng ahensya na nagpapatuloy ay ang Abot Kamay ang Pagtulong o AKAP para sa displaced land-based at sea-based Filipino workers.


Ang AKAP ay one-time cash assistance na nagkakahalaga ng $200 o ₱10,000 para sa bawat kwalipikadong benepisyaryo.

Sinabi rin ni Bello na nasa ₱5.043 billion na halaga ng AKAP ang naipaabot sa 497,122 OFWs mula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

Bukod dito, nagbibigay din ang DOLE ng financial aid, food, at medical assistance sa COVID infected OFW.

Facebook Comments