Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na handa ang gobyerno, sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), para tulungan ang mga pamilya at indibiwal na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro dulot ng paglubog ng MT Princess Empress.
Sabi ni Pangulong Marcos, mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon sa pangunguna ng Philippine Coast Guard (PCG) at kanilang tinututukan ang mga mangingisda na apektado ang kabuhayan dahil sa oil spill.
Binanggit ni Pangulong Marcos, ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) naman ay nakikipagtulugan na rin sa International Maritime Organization.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang Department of the Interior and Local Government (DILG) naman ay handang magkaloob ng suporta sa apektadong lokal na pamahalaan at tukuyin ang kanilang ispesipikong pangangailangan.
Kaugnay nito ay pinasalamantan naman ng pangulo ang mga pribadong korporasyon, tulad ng Shell at Petron, na nag-alok ng kanilang tulong sa pamamagitan ng pagpapahiram ng kanilang mga kagamitan para mabawsan ang matinding epekto ng oil spill.