Tulong sa naulilang pamilya ng pulis na nasawi sa pamamaril sa loob mismo ng Taguig City Police Station, pinamamadali ng PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapaabot ng karampatang tulong sa naulilang pamilya ng pulis na nasawi sa pamamaril sa loob ng Taguig City Police Station.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief Col. Redrico Maranan, pinamamadali na nila ang proseso ng benefit claims ni Police Executive Master Sgt. Heriberto Saguiped.

Gayundin ang benefit claims sa sugatang si Police Corporal Alison Sindac.


Matatandaang nag amok ang suspek na si Police Chief Master Sergeant Alraquib Aguel matapos malaman na sinigang na baboy ang ulam na niluto ng kanilang cook na mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang relihiyon.

Kasunod nito, nagpaabot ng pakikiramay ang PNP sa pamilya ni Saguiped.

Anya, labis na nalulungkot ang PNP sa sinapit ng kanilang kasamahan sa organisasyon.

Kasunod nito, tinawag naman ng PNP na isolated case ang insidente kung saan pagtutuunan ng kanilang imbestigasyon ang “individual demeanor” ng suspek na si Police Chief Master Sergeant Aguel na sinasabing may underlying medical condition kaya nag amok at namaril ng kapwa pulis.

Facebook Comments