Patuloy na umaasa ang mga oyster farmers sa Dagupan City sa nabanggit na tulong na lokal na pamahalaan na tulong sa pagpapalago ng produksyon ng talaba sa lungsod.
Matatandaan na inihayag ang pagkakaroon ng mga oyster production equipment o mga bagong makinarya na makakatulong sa mas mabilis at epektibong produksyon ng nasabing seafood product.
Nito lamang nakaraang buwan ay matatandaang bumisita rin ang alkalde sa bansang China para sa ilang aktibidad tulad ng China-Philippines Joint Demonstration Zone for Economic Innovative Development.
Nakikitaan ng malaking potensyal ang oyster farming at alinsunod dito ay mas paiigtingin pa ang pag-aaral kaugnay dito upang makapulutan ng kaalaman na makatutulong sa oyster production.
Ayon sa mga ito, maliliit na ang mga talaba na kanilang nahaharvest ngayon, kumpara dati na kalakihan ang sukat nito at naging malakas ang bentahan sa merkado, kaya naman kinakailangan umano ng mga ito ang tulong dahil naniniwala rin ang mga ito na malaki ang maaaring benepisyo nito o advantage sa lungsod kung tuluyang mapalago. |ifmnews
Facebook Comments