Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga tulong na bumubuhos ngayon sa pamilya ng Pinay OFW na pinatay sa Kuwait.
Kabilang dito ang scholarship sa mga anak ni Jullebee Ranara, pabahay at mga tulong-pinansyal mula sa ilang opisyal ng gobyerno.
Kinumpirma naman ni OWWA Administrator Arnel Ignacio na regular ang pakikipag-ugnayan sa kanila ng Kuwait government.
Aniya, tiniyak ng Kuwait Embassy ang hustisya para kay Ranara na brutal na pinaslang ng anak ng kanyang employer.
Facebook Comments