Tulong sa pamilya ni Jullebee Ranara, dapat ipagpatuloy gobyerno

Nagpasalamat si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa Department of Migrant Workers at sa legal team na nag-aasikaso sa kaso ng brutal na pagpatay sa ating kababayan na si Jullebee Ranara.

Mensahe ito ni Magsino makaraang pagtibayin ng Kuwaiti Court of Appeals ang hatol laban sa pumatay kay Ranara.

Nauunawaan ni Magsino kung makaramdam ng pagkadismaya ang pamilyang Ranara dahil limitado o hanggang 16 na taon lamang ang pagkakulong na iginawad sa suspek dahil ito ay menor de edad.


Kaya naman hinihiling ni Magsino sa pamahalaan na ipagpatuloy pa rin ang pagtulong sa pamilya ni Ranara lalo na pagdating sa mga civil action for damages.

Ayon kay Magsino, hindi man nito mapapawi ang hinagpis ng pamilya ay malaking bagay na maisagad natin ang lahat ng parusang nasa batas ng Kuwait upang makuha nila ang hustisya.

Facebook Comments