Tulong sa Pinay na malubhang nasaktan sa terror attack sa Barcelona, Spain – tiniyak ng Department of Foreign Affairs

Manila, Philippines – Ipinag-utos ni Department of Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa Pinay na lubhang nasaktan at paghahanap sa nawawalang anak nito sa nangyaring terror attack sa Barcelona, Spain.

Ayon kay Cayetano – kinausap na niya si Consul General Emmanuel Fernandez para sa kinakailangan tulong ng apatnapu’t tatlong taong gulang na pinay na nasa ospital.

Samantala, sinisigurado naman ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Arriola na patuloy nilang imo-monitor ang kondisyon ng iba pang mga Pilipino na nasaktan sa pag-atake.


Facebook Comments