Manila, Philippines – Nasurpresa ang mga nasunugan sa Maynila ng bigla silang bisitahin ni Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go kaninang madaling araw.
Sumatotal, 13 pamilya ang tuluyang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa Hermosa, Tondo at Vargas Street, New Antipolo, Maynila.
Agad nagbigay ng tulong si SAP Bong Go nang makita ang sitwasyon ng mga biktimang nagpapalipas na magdamag sa kalsada.
Bukod sa cash assistance at pamasahe pauwi sa probinsiya inalok ng pabahay ni SAP Bong Go ang mga biktima.
Sigawan ang mga tao ng makitang naghubad ng sapatos si Bong Go at inabot sa nasunugan.
Sa ambush interview, nangako ang opisyal na bibili siya ng damit para makapasok na yung mga estudyante at makabalik na rin agad sa trabaho ang mga biktima.