Pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Customs (BOC) na ipamahagi ang mga ‘ukay-ukay’ o mga nasabat na second-hand na damit sa mga nasalanta ng bagyong Ompong.
Ayon sa Pangulo – dapat makipag-coordinate ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa BOC para sa ipapaabot na mga damit sa mga biktima ng kalamidad.
Pinayuhan din ng Pangulo ang DSWD na maging mapagbantay laban sa mga mananamantala sa relief items.
Facebook Comments