Marawi City – Umaabot na sa 5,015 internally-displaced persons o mga bakwit mula sa naganap na kaguluhan sa Marawi City ang napagkalooban ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng skills at livelihood training program.
Sa nasabing bilang, 2,360 ang technical vocational education and training graduates sa iba’t-ibang kurso sa kontruksyon na makakatulong sa isinasagawang rehabilitasyon sa Marawi City.
Habang ang ilang bakwit sa Marawi Siege ay sinanay sa iba’t-ibang scholarship program ng TESDA gaya ng massive skills training program, training for work scholarship program at special training for employment program.
Kung matatandaan, matapos na pumutok ang kaguluhan sa Marawi City, agad na kumilos ang ahensya upang tulungan ang mga apektadong mamamayan na nagsilikas sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng iba’t-ibang skills at livelihood programs na makakatulong upang sila ay magkaroon ng trabaho at pagkakakitaan.