Manila, Philippines – Hiniling ni Senator Joel Villanueva kay Pangulong Rodrigo Duterte na lagdaan sa lalong madaling panahon ang tulong trabaho bill.
Sa oras na maging ganap na batas, bibigyan ng free access sa technical-vocational education ang mga Pilipino.
Malaki aniya ang maitutulong ng tulong trabaho bill para mabigyang kaalaman ang mga unemployed sa papasuking trabaho sa pamamagitan ng free-technical vocational skills training.
Base naman sa jobsfit 2022 Labor Market Information (LMI) report ng DOLE, 43.9% o halos kalahating milyon na mga unemployed sa bansa ang nakapag-aral ng high school o nakapagtapos ng college degree.
Seryosong problema na rin aniya na maituturing ang job mis-match sa bansa dahil kadalasang technical-vocational ang hinahanap na trabaho at hindi ang mga kursong tinapos sa kolehiyo.