Manila, Philippines – Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Maranao na tanggapin ang mga kristiyanong gustong mamuhunan sa Marawi City.
Ayon kay Pangulong Duterte, kailangang magtulungan ang mga Kristiyano at ang mga Muslim para maibalik sa dati at mas maging progresibo ang lungsod na nasira ng kaguluhan.
Paliwanag ni Pangulong Duterte, layon niyang mabigyan ng mas mabuting buhay ang mga taga-Marawi City at maibalik sa kinagisnang buhay na ibinigay sa kanila ng kanilang mga ninuno.
Sa harap nito ay muling nanawagan si Pangulong Duterte sa mga taga-Marawi City na huwag hayaang makapasok muli ang mga terorista at bantayan ang kanilang paligid para hindi na maulit ang kaguluhan sa Marawi City na tumagal ng halos 5 buwan.
Facebook Comments